Wednesday, May 4, 2011

2 arestado sa hazing



MALOLOS, Bulacan --- Naaresto kahapon ang dalawa sa apat na bina­tilyo na nakapatay sa bago nilang recruit sa frater­nity habang nagsasagawa ng initiation rites o “hazing” sa Barangay Matimbo, kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito.

Sinampahan ng kasong homicide in relation to Republic Act 8049 (Anti Hazing Law) ng Malolos Police ang mga suspek na sina Marlon Mendoza y Tayson at John Lawrence Borja y Coronel, 18, pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.


Habang ang dalawa pang suspek na naki­lala lamang sa alyas na Lelouch at Mandirigma ay patuloy na pinaghahanap pa ng pulisya.


Ayon sa ulat, naganap ang initiation rites sa biktimang si Ronel de Guzman y Palad, 20, residente ng Barangay Sto. Niño, Hagonoy sa isang bakanteng lote kamakalawa ng gabi kung saan posibleng hindi nito nakayanan ang mga mala­lakas na palo mula sa matigas na bagay kung kaya’t nawalan ito ng ulirat.


Dali-dali namang isinugod ang biktima ng isa sa mga suspek na si Tayson sa Rommel Cruz Hospital subalit idineklara ng dead on arrival ng mga manggagamot dahil sa mga taglay na pasa sa likod at hita.


Kusa namang sumuko si Tayson sa pulisya at ng isailalim sa interogasyon ay itinuro nito si Coronel na umano’y isa sa mga naggawad ng initiation rites sa biktima na naging daan sa pagkakaaresto nito.



Article Source  --http://www.abante.com.ph/issue/may0311/luzon03.htm

4 comments:

Anonymous said...

Salot tlaga sa Lipunan ang mga Basurang tau gama na iyan! tsk!

Anonymous said...

mga gago kayo wala kayong magawa mag-aral!....

Anonymous said...

peace lang po tayong lahat....

Unknown said...

Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
Memeestetiği

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...