Loading...

Wednesday, June 1, 2011

Breaking News

CEBU CITY, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong napaslang sa magkahiwalay na karahasan kaugnay sa sinasabing frat war sa Toledo City, Cebu noong Huwebes.

Si Lamberto Mirasol, 22, miyembro ng Alpha Kap­pa Rho Fraternity ay pinagtulungan saksakin at barilin ng kalaban ng miyembro ng Tau Gamma Phi na sina Kelvin Mayo at Stephen Caballero.

Nabatid na si Mirasol ay dumalo sa disco party sa Sitio Masaba, Barangay Cantabaco nang pagtulugang paslangin ng dalawa.

Nagtamo ng tama ng saksak ng patalim sa ka­nang bahagi ng dibdib at tama ng bala ng cal. 22mm sa kanang tenga si Mirasol kung saan idineklarang patay sa Carmen Copper Corp. Hospital sa Barangay DAS.

Samantala, ayon kay PO3 Alfredo Barquin, Binaril at napatay naman si Stephen Caballero sa Barangay DAS Village ilang oras bago mapatay si Mirasol.

Pinaniniwalaan ng mga imbestigador ng pulisya na awayan ng magkalabang fraternity ang isa sa motibo ng krimen.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...