MALOLOS, Bulacan --- Naaresto kahapon ang dalawa sa apat na binatilyo na nakapatay sa bago nilang recruit sa fraternity habang nagsasagawa ng initiation rites o “hazing” sa Barangay Matimbo, kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong homicide in relation to Republic Act 8049 (Anti Hazing Law) ng Malolos Police ang mga suspek na sina Marlon Mendoza y Tayson at John Lawrence Borja y Coronel, 18, pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity. Habang ang dalawa pang suspek na nakilala lamang sa alyas na Lelouch at Mandirigma ay patuloy na pinaghahanap pa ng pulisya. Ayon sa ulat, naganap ang initiation rites sa biktimang si Ronel de Guzman y Palad, 20, residente ng Barangay Sto. Niño, Hagonoy sa isang bakanteng lote kamakalawa ng gabi kung saan posibleng hindi nito nakayanan ang mga malalakas na palo mula sa matigas na bagay kung kaya’t nawalan ito ng ulirat. Dali-dali namang isinugod ang biktima ng isa sa mga suspek na si Tayson sa Rommel Cruz Hospital subalit idineklara ng dead on arrival ng mga manggagamot dahil sa mga taglay na pasa sa likod at hita. Kusa namang sumuko si Tayson sa pulisya at ng isailalim sa interogasyon ay itinuro nito si Coronel na umano’y isa sa mga naggawad ng initiation rites sa biktima na naging daan sa pagkakaaresto nito. Article Source --http://www.abante.com.ph/issue/may0311/luzon03.htm |
Showing posts with label Hazing. Show all posts
Showing posts with label Hazing. Show all posts
Wednesday, May 4, 2011
2 arestado sa hazing
Labels:
Hazing
Subscribe to:
Posts (Atom)